PNP, nabantay sa ilang mahahalagang kaganapan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi lang sa Traslacion ng Itim na Nazareno sila nakatutok.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nakaalerto rin sila sa iba pang aktibidad sa bansa gaya ng Sinulog Festival sa Cebu, Dinagyang Festival sa Iloilo at Ati-Atihan sa Aklan.

Paalala naman ni Albayalde sa publiko, manatili na lang sa kani-kanilang bahay kung hindi naman sasama sa Traslacion ngayong araw para hindi maabala ng pagsasara ng ilang kalsada.


Facebook Comments