Sec. Eduardo Año, umaasang ipagpapatuloy ng papalit sa kaniya ang mga proyekto ng DILG

Umaasa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na susuportahan ng susunod na DILG ang mga core projects ng kanilang ahensiya.

Inanunsyo na ng kampo ni Marcos na ang susunod na DILG Chief ay si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chief Benhur Abalos.

Partikukar na pinatutukan ng DILG ay ang kampanya laban sa ilegal na droga, ang paglaban ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga teroristang grupo, gaya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), gayundin ang mga proyekto, efforts at programa ng departamento.


Tiniyak din ni Año na handa silang magbigay ng payo at suporta sa susunod na kalihim ng DILG.

Nanawagan rin ang DILG chief sa susunod na kalihim na ipagpatuloy ang drug rehabilitation at reformation program na sinimulan ng administrasyong Duterte para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Aniya, nakita nila na talagang malawak ang problema sa ilegal na droga at maging ang ilang lokal na opisyal ng pamahalaan ay kabilang sa drug list.

Kumpiyansa naman ang kalihim na dahil sa ginawa ng pangulo ay na-neutralized ang drug trade sa bansa.

Facebook Comments