Suspek sa kasong incestuous rape sa Sablayan, Occidental Mindoro, nahuli ng PNP sa Naic, Cavite

210

Naaresto agad ng mga tauhan ng Sablayan, Occidental Mindoro Municipal Police Station ang isang ama na wanted sa tatlong kaso ng incestuous rape sa Naic, Cavite.

Ayon kay PLt. Col. Allan Montillana Jr., nakilala ang suspek na si Carlito Tolentino Malicse Jr., ng Brgy. Santo Niño, Sablayan, Occidental Mindoro.

Siya ay naaresto ng follow up operation ng Sablayan MPS sa tulong ng Naic Philippine National Police (PNP) sa Barangay Sabang, Naic, Cavite.


Si Malicse ay may warrant of arrest sa kasong 3 counts of incestuous rape sa sarili nitong anak na inisyu noong Dec 12, 2021 ni Judge Jose Delgado ng San Jose, Occidental Mindoro RTC.

Dinala muna sa Naic, MPS for Documentation ang suspek bago siya dalhin sa korte sa Mindoro na nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya.

Facebook Comments