74 Wanted Person, Nahuli sa 1-day SACLEO ng PRO2

17
Cauayan City, Isabela- Sumuko ang apat na miyembro ng CPP-NPA, tatlong kasapi ng tinatawag na “NPA sa Baryo” at 17 na mga tagasuporta ng komunistang pangkat sa isinagawang 1-day Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Police Regional Office No. 2.

Ito ay alinsunod pa rin sa kampanya ng pamahalaan na wakasan ang insurhensiya sa bansa. Kaugnay nito, naaresto rin ang tatlong drug personalities kung saan nakuha ang tumitimbang na 1.82 grams ng shabu na may kabuuang Standard Drug Price na mahigit sa P17,000 at 0.11 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P962.00.

Narekober naman ang abandonadong kahoy na aabot sa 274.95 board feet na may halagang mahigit P7,000. Limang baril at isang Granada naman ang isinuko sa kapulisan habang pitong katao naman ang nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng PNP.

Samantala, nahuli rin ang 74 na indibidwal na binubuo ng walong top most wanted persons at 66 na iba pa na may kinakaharap na paglabag sa batas.

Facebook Comments