Sec. Gibo, hindi pabor na muling magkaroon ng peacetalks sa CPP- NPA-NDF

Ayaw ni bagong Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na muling magkaroon ng peacetalks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF, ito ay matapos ang pahayag ng grupo na bukas sila sa muling pagkakaroon ng peace talks.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng kalihim na matagal niya nang ayaw na isulong ang peacetalks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF, na siya ring posisyon ngayon national security cluster.

Paliwanag ng kalihim, bukas naman ang gobyerno na tulungan ang CPP, NPA at NDF sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU para i-rehabilitate ang mga sumuko at susuko nilang miyembro.


Malaki rin umano ang naitutulong ng NTF-ELCAC para mapatigil ang operasyon ng mga natitirang front sa bansa.

Samantala, nagpasalamat naman si Teodoro sa pangulo sa pagkakatalaga sa kaniya sa posisyon.

Facebook Comments