Sec. Lorenzana, pinadedetalye sa Japan defense attachè ang “terror attack” sa anim na bansa sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas

Nakipag-ugnayan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Japan Defense Attachè para malaman ang detalye ng babalang terror attack ng Japan government sa kanilang mamamayan na nasa anim na bansa sa Southeast Asia.

Ayon kay Lorenzana, mahalagang matukoy ang detalye ng babalang ito para alam din ng Defense Department ang kanilang mga magiging hakbang.

Gayunpaman, sinabi ng kalihim na hindi na siya naalarma sa warning ng Japan lalo’t marami nang nangyaring terror attack sa Pilipinas kumpara sa Japan.


Ang mahalaga aniya ngayon ay palaging naka-alerto ang hanay ng Armed Forces Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sinabi pa ni Lorenzana na batay sa kanilang intelligence units walang namo-monitor na imminent threat o planong pag-atake ng mga terorista sa bansa.

Pero panawagan ng kalihim sa lahat na maging mapagmatyag at magsumbong sa mga otoridad kapag may nakitang kahina-hinalang bagay o tao.

Facebook Comments