Sec. Piñol, nanawagan na tangkilikin muna ang mga lokal na karne ng baboy

Manila, Philippines – Hinimok ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang publiko na tangkilikin muna ang lokal na karne ng baboy.

Ito ay upang mailigtas ang lokal na livestock industriya sa bansa sa tuluyang pagbagsak.

Kasunod ito ng paghihigpit ng Department of Agriculture (DA) sa pagpasok ng mga imported na karne ng baboy galing ng Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.


Ayon sa kalihim, maliban sa pagtangkilik sa lokal na meat products, makatutulong ang publiko kung iiwasan nila na magpasok pa ng mga imported na karne mula sa mga tinukoy na bansa.

Maiiwasan nito ang pagkalat pang naturang sakit ng baboy na maaring sumalanta sa nasa 15-million na umaasa sa backyard piggery kada taon.

Nagpatupad ang DA ng istriktong quarantine protocols para mapigilan na maipuslit sa bansa ang mga kontaminadong pork-based products.

Upang ipakita na seryoso rito ang ahensya, sinibak ni Piñol ang buong quarantine group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kabiguan na makapaglagay ng tinatawag na footbath facility sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maharang ang mga kontaminadong food products.

Facebook Comments