Manila, Philippines – Bilang bahagi ng high alert status na pinatutupad ng Manila International Airport Authority, nagpapatupad ngayon ang MIAA ng heightened screening process sa NAIA terminals.
Kasunod ito ng pag atake ng gunman sa Resorts World Hotel sa tapat ng NAIA 3.
Nagsanib na rin ng pwersa ang Airport Police Department (APD) special reaction personnel at apd terminal police para sa blocking operations sa parking areas.
Nagpatupad na rin ang MIAA ng augmentation sa traffic personnel para sa mas mahigpit na checkpoints sa mga sasakyan na pumapasok sa paliparan
Nag-deploy na rin ang MIAA ng special reaction personnel sa naia toll gate leading to naia terminals 1, 2 at 3;
Inisyuhan na rin ng MIAA ng mahahabang armas ang special reaction personnel at APD contingent na nagbabantay sa airside area ng buong naia complex.
Sinuspinde rin muna ng MIAA ang pag-iisyu ng access passes at limitado na muna ito sa ngayon sa mga empleyado ng airport at diplomats.
Sa ngayon, nakataas ang SECCO 3 level o Security Condition 3 level sa lahat ng NAIA terminals.
Nilinaw ni MIAA General Manager Ed Monreal na walang naapektuhan o nakanselang flights sa dalawang oras na pagsasara sa main gates ng NAIA terminals 1,2,3 at 4 kanina.
DZXL558, Joyce Adra