Kasama nila sa pagbiyahe si Assistant Provincial Agriculturist Sergio Galamgam upang matiyak na ligtas ang kanilang pagdating sa bansa at personal na pinangangasiwaan ang pangkalahatang kalagayan ng mga farmer-interns sa South Korea.
Mainit naman ang naging pagtanggap ni Jinan County Mayor Jeon Chun-Sung sa mga magsasaka sa kabila ng kanyang abalang schedule.
Isa sa sampung counties sa South Korea ang Jinan County na nag-anyaya sa mga magsasaka mula Pilipinas sa ganitong farmer-internship mutual agreement.
Inaasahang magbubukas ito ng maraming pinto para sa mga susunod pang pakikipagsosyo na makabubuo ng agro-investment links na mapapalakas ang agricultural economies sa pagitan ng Isabela Government at counties sa South Korea.
Maalala na noong gabi ng April 29, 2022 nang bumiyahe ang naturang mga magsasaka na siyang second batch intern na ipinadala ng pamahalaang panlalawigan sa naturang bansa.