Manila, Philippines – Umapela si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jess Dureza na mga taga-Mindanao na makipagtulungan sa Gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon patungol sa mga grupo na nanggugulo sa rehiyon.
Dapat aniya ay maging vigilante ang publiko at tumulong sa pagtugis ng mga otoridad sa mga terorista.
Malaki aniyang hamon ito para sa pamahalaan pero tiwala aniya siya sa kakayanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lutasin ang problemang ito.
Nilinaw din naman ni Dureza na malaki ang pagkakaiba ng Martial Law na idineklara ni Pangulong Duterte sa Martial Law noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
DZXL558, Deo de Guzman
Facebook Comments