Secretary William Dar, di muna magpapatupad ng reshuffle sa DA

Wala munang mangyayaring balasahan sa Department of Agriculture kasabay ng pagsisimula ngaying araw ng panunungkulan ni William Dar bilang Agriculture Secretary.

 

Sa pulong balitaan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na bibigyan muna niya ng pagkakataon ang mga pinono at empleyado sa ibat ibang departamento na ipakita ang kanilang kakayahan.

 

Pero, kinakailangan aniya na makapag perform ang mga ito alinsunod sa target niyang 8-point agenda.


 

Bibitbitin di ni Dar ang kaniyang mga consultant.

 

Dagdag ni Dar, ipagpapatuloy niya ang mga naumpisahan ni Pinol.

 

Gayunman, palalakasin niya ang mga ito para makamit ang food sufficiency program sa nalalabing tatlong taong termino ng Duterte administration.

Facebook Comments