Wanted sa Kasong Panggagahasa, Arestado!

96

*Cauayan City, Isabela- *Huli ang isang binata na wanted sa kasong panggagagasa at itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. 1 ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Jessie Del Mundo alyas Hapon, 24 anyos, at residente ng Brgy. 1, San Mateo, Isabela.


Ang akusado ay hinuli ng mga kasapi ng PNP San Mateo bandang 9:30 kaninang umaga sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul V. Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela.

Posibleng hindi na makalabas ng kulungan si Del Mundo dahil walang inirekomendang piyansa ang korte sa kanyang kinakaharap na kaso.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments