Security guards, gagamitin ng PNP sa pangangalap ng intel

Target ng Philippine National Police (PNP) na gamitin sa pangangalap ng intelligence ang 575,000 security guards sa buong bansa.

Ayon kay PNP Civil Security Group Director Police Maj. General Edgar Alan Okubo, makatutulong ang mga security guards bilang force-multiplier sa pagsisilbing mata at tenga ng kapulisan laban sa mga kriminal at banta sa pambansang seguridad.

Ani Okubo, isasailaim muna sa basic training on intelligence gathering ang security guards.


Sa katunayan, nasimulan na ang seminar na nilahukan ng 61 security guards sa Metro Manila.

Ang unang batch ay nagtapos ng Basic Information Collection and Analysis Seminar for Private Security Agencies na pinangasiwaan ng CSG sa Camp Crame nitong Miyerkules.

Sinabi pa ni Okubo, na ang BICAS ay isasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Facebook Comments