Ito ang tiniyak ng law enforcement unit ng PNP at Philippine Army sa katatapos na Provincial Joint Security Control Center (PSJCC) meeting ngayong araw, Abril 28,2022.
Ayon kay DILG Provincial Director Engr. Corazon Toribio na ihahanda nila ang kanilang Operations Center gayundin ay pinaghahanda ang lahat ng DILG Field Officers na bantayan ang pagsasagawa ng halalan at ang Barangay Health Response Teams ay titiyakin naman ang pagsunod ng publiko sa Minimum Public Health Standards.
Siniguro ni PLTCOL Pepito A. Mendoza, Jr., Deputy Provincial Director for Operations ng Isabela Police Provincial Office kasama si Deputy Brigade Commander Christopher Davice ng 502nd Infantry Brigade ang kanilang kahandaan sa paghawak ng kanilang mandato na siguraduhin na ang May 2022 National and Local Election ay maisasakatuparan ng walang anumang hindi inaasahang insidente.