Security protocol sa mga casino, pinaparepaso ni Senator Poe

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Sen. Grace Poe ang pagrepaso sa security protocol sa mga casino at iba pang establisyemento.

Ang mungkahi ni Senator Poe ay kasunod ng malagim na pag-atake ng isang armadong suspek sa resorts world na ikinasawi ng 37 katao habang mahigit sa 70 ang nasugatan.

Paliwanag ni Senator Poe, kailangang magkaroon ng malinaw na guidelines sa nararapat ng hakbang ng mga security personnel sa mga casino kapag nagkaroon ng emergency situation o kapag pinasok ito ng lawless elements.


Ayon kay Senator Poe, dapat alam ng mga security personnel ng lahat ng establisimiento, tulad sa mga malls at casino ang kanilang ay gagawin at kung paano tutugon sa kahalintulad na emergency situation habang wala pa at iniintay pa ang otoridad.

Maliban sa security personnel ng mga establisyemento, sinabi ni Poe na dapat manguna din sa pagkilos ang mayor o opisyal ng kinauukulang Local Govt. Units.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments