SEGURIDAD | Mga lokal na opisyal sa Mindanao maaaring mag-armas basta mapatunayang may banta sa buhay – Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na mayroon namang paraan para sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Mindanao na tiyakin ang kanilang sariling seguridad sa pamamagitan ng pag-aarmas kahit pa umiiral ang Martial Law sa buong Mindanao.

Ito ang sinabi ni Go matapos makarating sa kanyang kaalaman ang pangamba ng ilang miyermbro ng Union of Local Authorities in the Philippines (ULAP) sa kanilang seguridad matapos ang magkasunod na pagpatay kina Mayor Antonio Halili at Ferdinand Bote.

Ayon kay Secretary Go, maaari namang lumiham ang mga alkalde at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang Martial Law Administrator at patunayan dito na mayroon silang banta sa kanilang buhay.


Tiniyak din naman ni Go na magiging patas ang pamahalaan sa pagdetermina sa mga mabibigyan ng pahintulot kahit pa ang isang alkalde at kabilang sa narco-list.

Facebook Comments