Seguridad na ipinapatupad ng PNP sa lungsod ng Iligan, lalo pang hinigpitan; facial scanner; inilagay na sa mga checkpoint

Iligan City – Lalong hinigpitan ngayon ng kapulisan ang seguridad sa lungsod ng Iligan.

Ito ay may kinalaman pa rin sa patuloy na nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga na mas lalong pinahihigpitan nila ang pagpapatupad ng checkpoint sa mga lugar na kanilang binabantayan sa lungsod.


Katunayan aniya ng kanilang mahigpit na pagbabantay ay naglagay na rin sila ng mga facial scanner para agad na matukoy ang kanilang mga pinaghahanap kabilang na ang mga miyembro ng Maute.

Isang malakaing tulong umano ang facial scanner para agad nilang ma-identify ang mga taong nagnanais lang na gumawa ng gulo.

Dagdag pa ni Ga, minarapat din nilang magbantay ng maigi sa lungsod sapagkat isa ang iligan sa nais ding atakihin ng grupong Maute kung hindi pa sila agad naharangan sa kanilang ginawang paghahasik ng kaguluhan sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments