Seguridad ng Mamamayan ng Quirino, Tiniyak ng Militar

Cauayan City, Isabela- Siniguro ng kasundaluhan ng 86th Infantry ‘Highlander’ Battalion na mabigyan ng suguridad ang mga mamamayan ng Lalawigan ng Quirino maging sa mga karatig probinsya na sakop ng nasabing yunit.

Sa panayam ng 98.5 i-FM Cauayan kay 2nd Lieutenant Judily Ann Bugante, CMO Officer ng 86th IB, hindi aniya pababayaan ng mga nakatalagang tropa na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) ang mga residente sa lugar lalo na sa mga nakatira sa kanayunan.

Kasunod ito ng pagtitimbre ng isang sibilyan sa mga CSP Team sa iniwang mga armas at gamit ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa Lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya na dahil sa pagsusumbong ng isang mamamayan ay posibleng balikan ito ng mga rebelde.


Matatandaan, nadiskubre kahapon, Agosto 18, 2020 ng tropa ng 86th IB na pinamumunuan ni LTC Ali Alejo sa barangay Nagabgaban, Aglipay, Quirino ang dalawang (2) M16 rifle, dalawang (2) magazine, 69 pirasong bala ng 5.56, isang (1) bushnell scope, mga medical supplies, mga subersibong dokumento at mga personal na gamit ng mga NPA.

Facebook Comments