Cauayan City, Isabela – Tiniyak ng pamunuan ng PNP San Pablo, Isabela sa pangunguna ng bagong hepe na si Police Senior Inspector Reden Crisologo ang seguridad sa burol ng napatay na NDF Consultant Randy Malayao.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay PSI Crisologo, naiuwi na ang labi ni NDF Consultant Randy Malayao noong Enero 30, 2019 sa kanilang ancestral house sa Brgy. Minanga Norte, San Pablo, Isabela.
Personal naman itong dumalaw at nagpaabot ng pakikiramay kahapon sa pamilya ni Malayao kasama ang Alkalde ng nasabing bayan at ng Provincial Director ng Department of Interior ang Local Government (DILG) Isabela.
Kaugnay nito, wala pa umanong eksaktong petsa para sa libing ni Malayao.
Matatandaan na noong nakaraang Miyerkules, Enero 30, 2019 pasado alas dos ng madaling araw ay binaril si Malayao habang sakay ng isang pampasaherong bus partikular sa CCQ restaurant, Darapidap Aritao, Nueva Vizcaya.