Seguridad sa Manila Memorial Park, mas lalo pang hihigpitan bukas

Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Memorial Park na mas mahigpit na seguridad ang ipatutupad bukas, November 1 sa loob ng sementeryo.

Ito ay bunga ng inaasahang pagdagsa ng mas malaking volume ng mga bisita sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Manila Memorial Park Manager Jocelyn Capule, sa ngayon malaking puwersa na ng Parañaque Police ang naka-deploy sa loob ng sementeryo.


Bukod pa aniya ito sa nakakalat ngayon na traffic enforcers at force multipliers sa loob ng Manila Memorial Park.

Sa ngayon, patuloy ang pagdagsa sa loob ng sementeryo ng mga bisitang mag-o-overnight dito.

Facebook Comments