Puntod ng pinatay na journalist na si Percy Lapid, dinalaw ng ilang kamag-anak

Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Memorial Park na may ilang kaanak na ng pinaslang na journalist na si Percy Lapid ang dumalaw na sa puntod ng yumaong mamamahayag.

Ayon sa mga empleyado ng Manila Memorial Park, tanging mga mamamahayag lamang ang nakikita nilang nagtutungo sa puntod ni Lapid.

Wala namang statement ang nakababatang kapatid ni Ka Percy na si journalist Roy Mabasa kung dadalaw siya sa puntod ng kanyang kuya.


Magugunitang ibinunyag ni Roy Mabasa na nakakatanggap na rin siya ng pagbabanta sa kanyang buhay gayundin ang pamilya ng pinaslang na mamamahayag kaya pinaiiwas muna siya ng kanyang abogado na lumabas.

Facebook Comments