Thursday, March 5, 2026

Seguridad sa mga embahada sa bansa, hinigpitan kasunod ng mga protesta ng ibat ibang grupo kaugnay ng nangyayaring kaguluhan sa Middle East

Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad nito sa mga embahada sa bansa kasunod ng mga protesta na isinagawa ng iba’t ibang activist group malapit sa US Embassy sa Manila.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., maraming kapulisan ang ipapakalat para matiyak na hindi lang ang seguridad pati na rin ang daloy ng trapiko sa mga kalsadang pagdarausan ng nasabing mga kilos-protesta.

Kaugnay nito, partikular na naka-focus ang mga awtoridad sa embahada ng US sa Manila, ang Iranian Embassy sa Makati City, at ang Israeli Embassy sa Taguig City.

Ayon pa kay Nartatez, nakikipag-ugnayan na ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang concerned agencies para mag-monitor at agarang makaresponde sa anumang insidente.

Binigyang -diin din ni Nartatez na ang prayoridad ng kapulisan ay kapayapaan at kaayusan pati na rin ang proteksyon ng mga diplomatic missions.

Facebook Comments