Seguridad sa SONA, mas dumoble pa

Manila, Philippines – Mas lalong pinahigpit ngayon ang inilalatag na seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni House Sgt. at Arms. Roland Detabali na batay sa kanilang intelligence gathering ay may “threat” sa SONA ng Pangulo.

Pinangangambahan kasi na dahil sa war on drugs ng Pangulo ay may binabalak na masama ang ilang drug syndicates na nakabangga ng Presidente dahil sa kampanya nito.


Sinabi ni Detabali na hindi naman seryoso ang threat at ito ay mula lamang sa mga protesters pero dapat pa ring higpitan ang seguridad lalo na sa mga banta ng terorismo kasunod ng krisis sa Marawi.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon ay mas nadagdagan pa ang nakadeploy na security personnel sa loob at labas ng Batasan Complex.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments