Cauayan City, Isabela- Walang naitalang malaking pinsala sa mga pananim ang tanggapan ng Cauayan City Agriculture sa katatapos lang ng Bagyong Jenny.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Report Officer ng Agriculture Office, maswerte naman anya na hindi tumaas ang lebel ng tubig sa ilang mga sakahang lugar bukod lamang sa mga pananim na malapit sa sapa dahil ilan sa bahagi nito ay dumapa dahil na rin sa pag-apaw ng tubig.
Minimal lang din aniya ang nangyari kaya’t naging maayos din ang nasabing sakahan.
Ang Lungsod ng Cauayan ay mayroong mahigit sampung (10) libong ektarya ng sakahan ng palay na hindi naman nabaha o naapektuhan sa kabila ng maghapon na pag-ulan nitong mga nakaraang araw dulot ng bagyong ‘Jenny’.