Arestado ng pinagsanib na pwersa ng PP2 at CCPO ang isang security guard na matagal ng nagtatago sa batas dahil sa kasong panggagahasa.
Kinilala ang nahuling suspect nasi Alicon Maso 56 anyos, isang sekyu na nakatira sa magallanes street sa syudad.
Ayon sa report, pasado alas onse ng umaga noong sabado ng mamataan ng tracker team ng kapulisan ang suspect na pumasok sa southseas mall.
Kaagad na inilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkahuli ng suspect, na may warrant of arrest sa kasong Rape na walang bail bond, na may criminal case number 2013-6265, na ang WA ay inilabas ni RTC branch 13 Judge Banzawan Ibrahim.
Kalaboso na ang suspect sa lock-up cell ng PP2, at ngayon araw ay ihaharap sa korteng nagpalabas ng warrant..(Michael Suan).
Facebook Comments