Selebrasyon ng Eid al-Fitr sa Lungsod ng Cauayan, Matagumpay na Idinaos!

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na idinaos ng mga kababayang Muslim dito sa lungsod ng Cauayan ang kanilang pagdiriwang sa huling araw ng Ramadan o Pag-aayuno ngayong araw.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Anwar Cabugatan, ang Chairman ng Muslim Center, aniya sa loob ng tatlumpung araw na paghingi ng kapatawaran sa buwan, sa araw, sa tala at sa kapwa tao ay kanilang ginugunita ang Eid’l Fit’r bilang pagtatapos ng kanilang Ramadan.

Kagaya rin umano ito ng pagdiriwang sa kapaskuhan ng mga kristiyano kung saan sumisimbolo sa araw ng Pagbabago, Pagbibigayan, Pagmamahalan at Pagpapatawad.


Ayon pa kay ginoong Cabugatan na payapa ang kanilang isinagawang pagdiriwang at pagkatapos ng kanilang selebrasyon ay balik trabaho na ang mga ito sa kanilang pagnenegosyo.

Facebook Comments