Tuesday, March 3, 2026

SELEBRASYON NG GIRL CHILD WEEK 2026, INILUNSAD SA DAGUPAN CITY

Inilunsad sa Dagupan City ang selebrasyon ng Girl Child Week 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa ulat ng lungsod, nagtipon ang tinatayang 2,500 kalahok para sa isang araw ng mga aktibidad, learning sessions, at iba pang programa na inilaan para sa mga batang babae sa lungsod.

Layunin ng selebrasyon na itaguyod ang karapatan ng mga batang babae, paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, at tiyaking maririnig at mapahahalagahan ang kanilang tinig sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments