Selebrasyon ng mga IP’s sa Cauayan City, Isabela, Isinagawa!

*Cauayan City, Isabela- *Masayang ipinagdiriwang ngayon ng mga Indigenous People (IP) ang kanilang IP Day sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Councilor Jong Gapasin bilang Sectoral Representative ng mga Indigenous People na pangatlong araw na umano ngayon ng kanilang selebrasyon kung saan nakapagsagawa na umano sila ng Medical Mission kahapon at nasa mahigit kumulang na pitong raan kanilang ang nabigyan ng benipisyo.

Ayon kay Councilor Gapasin, napagkasunduan umano sa kanilang pagpupulong na sa halip na Cultural Presentation ang kanilang isasagawa ay magbibigay na lamang umano sila ng Social Services para sa mga Indigenous People.


Bukod sa kanilang isinagawang medical mission ay nagsagawa rin umano sila ng libreng gupit, pedicure at manicure sa mga IP’s na ginanap sa Cabaruan Community Center.

Samantala, Nakatakda rin umano silang magsagawa ng Tree Planting bukas sa Sitio Manalpaak at feeding program naman para sa mahigit isang libong IP Students dito sa Lungsod ng Cauayan.

Kaugnay nito ay nasa higit tatlong daan na mga IP Officers ang nanumpa ngayong araw para sa kanilang selebrasyon.

Facebook Comments