Hinihimok na ng Quezon City government ang mga residente at empleyado sa lungsod na i-update ang kanilang sarili para sa probable o confirmed cases ng COVID-19.
Sa inilabas na memorandum ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, anumang confirmed at probable cases ay dapat maiparating sa Epidemiology and Surveillance Unit at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng lungsod.
Sa pamamagitan ng sinasabing self-reporting, sinumang positibo o posibleng infected ng COVID-19 ay agad maihihiwalay upang hindi na makahawa sa pamilya, mga kaibigan at katrabaho.
Tiniyak naman ng alkalde na mabibigyan sila ng libreng akomodasyon sa quarantine facilities na pangangalagaan ng mga bihasang healthcare worker.
Dapat ilagay sa self-report o monitoring ang mahahalagang impormasyon tulad ng buong pangalan, birth date, eksaktong address, contact number, work at company name, araw ng pagsisimula ng sintomas at iba pa.
Ipadadala lamang ito sa pamamagitan ng e-mail (qcselfreport@gmail.com) CESU’s Facebook accounts (www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance), (facebook.com/qc.esu.official, facebook.com/qc.esu.official1, facebook.com/qc.esu.official2 and facebook.com/qc.esu.official3) at sa hotline numbers ( 8703-2759, 8703-4398; Globe: 0916-122-8628, Smart: 0908-639-8086, Sun: 0931-095-7737).
Maaari ding gawin ang self-reporting sa mga respective hotlines ng barangay.