Davao Oriental, dalawang beses na niyanig ng lindol ngayong umaga

71

Dalawang beses na niyanig ng lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental ngayong umaga.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pasado alas-7:30 ngayong umaga nang muling niyanig ang nasabing lalawigan ng magnitude 3.1 na lindol.


Naitala ang episentro nito sa layong 31 kilometers silangang bahagi ng nasabing bayan at may lalim na 23 kilometers.

Bago ito, unang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol kaninang alas-2:32 ng madaling araw ang lugar.

Parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang pagyanig.

Wala namang nasugatan at nasirang ari-arian na dulot ng lindol.




Facebook Comments