Cauayan City, Isabela- Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang sinumang magbebenta ng ‘overpriced’ na mga medical supplies gaya ng Alcohol at facemask sa kabila ng nararasang crisis dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay Mr. Winston Tan Singun, Provincial Director ng DTI Isabela, may kalalagyan ang sinumang mahuhuli na lumalabag sa tamang presyo ng mga medical supplies.
Sa mga nakabili o makakabili aniya ng ‘overpriced’ na medical supplies ay maaari aniyang kunan ng larawan ang nabiling produkto kasama ang resibo at i-screenshot naman kapag sa online nabili at ipadala lamang sa facebook account ng DTI Isabela o isumbong sa pamamagitan ng kanilang hotline no. 0917 115 1395 at sa FDA upang matugunan ito ng kanilang tanggapan.
Paalala nito sa mga sellers at mga business owners na huwag lamangan ang kapwa at huwag din i-hoard ang mga pangunahing bilihin.
Kaugnay nito, nananatili pa rin naman aniya sa dating presyo ang mga basic necessities and Prime commodities sa Lalawigan base na rin sa kanilang monitoring.