SEMANA SANTA | Alternatibong mga penitensya, isinusulong ng ilang grupo

Manila, Philippines – Hinikayat ng grupong New Vois Association of the Philippines (NVAP), ang mga Pilipino na magtiis muna at lumayo sa bisyo ngayong Semana Santa.

Ayon sa grupo – dapat ay magsakripisyo muna ang mga naninigarilyo at dumistansya sa mga sigarilyo.

Hindi lang naman umano kasi “abstinence” sa pagkain ng karne ang ginagawa tuwing Semana Santa kundi pati na rin sa bagay na nakakapagpadumi ng sarili.


Sinegundahan naman ito ng Sigaw Ng Kabataan Coalition (SKC) na sinabing maging mga e-cigarettes ay dapat din na iwasan.

Sa pamamagitan anila nito ay maiiwasan ang pagkalason ng katawan.

Dagdag pa nila, dapat ay makilahok na lang sa mga pabasa at Visita Iglesia ang mga Pilipino.

Facebook Comments