SEMANA SANTA | DOLE, nagpalabas ng tamang pasahod sa holiday

Manila, Philippines – Kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw, pinaalalahanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga Employer sa pribadong sektor na sundin ang patakaran sa tamang pasahod sa Marso 29 bukas (Huwebes Santo), Marso 30 (Biyernes Santo), at Marso 31 (Sabado de Gloria).

Batay sa Proclamation No. 269 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte, nag labas ang Labor Department ng Labor Advisory No. 04 (Series of 2018) na nagtatakda ng tamang pasahod para sa mga nasabing Regular at Special Non-Working day.

Ang patakaran para sa Regular Holiday bukas Marso 29 at Marso 30 (Biyernes Santo) ay ang mga sumusunod:


Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 100% ng kanyang regular na sahod at kung nagtrabaho, dapat siyang bayaran ng 200% ng kanyang regular na sahod para sa unang walong oras. May bayad din ang Overtime Work ng 30 porsyento.

Sa Marso 31 (Sabado de Gloria), idiniklara naman ng DOLE na Non-Working Holiday.

Facebook Comments