SEMANA SANTA | Halos 2 milyong pasahero inaasahang dadagsa sa NAIA

Manila, Philippines – Papalo nang hanggang sa 2 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Semana Santa.

Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, mula sa mahigit 1,600,000 biyahero noong isang taon na dumagsa sa NAIA inaasahang tataas pa ito ng 8 porsyento o halos 2 milyon.

Sa datos ng NAIA nakapagtala ng 412,495 na international arrival noong nakalipas na Holy Week season habang nasa 425, 432 ang naitalang international departure.


395,723 domestic arrival naman ang naitala ng NAIA nuong nakaraang Semana Santa habang 410,814 na domestic departure.

Sinabi ni Monreal na mas dadagsain ang NAIA ngayon dahil sa marami na ang naging improvement sa ating paliparan.

Katulad na lamang aniya dito ang paglalagay ng mga bagong aircon units, gumaganang mga XRAY machines, malinis na palikuran, pagkakaroon ng Wi-Fi at higit sa makakatulong aniya dito ay ang pagkakaalis sa NAIA sa listahan ng worst airport in the world.

Facebook Comments