Manila, Philippines – Asahan ang pahirapang pagbo-book sa mga sikat na destinasyon sa bansa.
Ayon sa Philippine Tour Operations Association (PHILTOA) President Cesar Cruz, punuan na sa mga tourist spot.
Aniya, anim na buwan bago ang Semana Santa ay naghahanda na ang mga turista mapa-lokal man o dayuhan para sa kanilang bakasyon.
Dagdag pa ni Cruz, siguradong mahal na ang presyo kung may mate-tyempuhan pang bukas na spot dahil sa peak season.
Inaasahang dadagsain ng mga turista ngayong Holy Week ay ang Palawan, La Union, Banaue, Bohol, Cebu, Bicol, Davao, Batangas maging ang Boracay.
Facebook Comments