Sen. Angara, umaasang hindi tutuparin ni Pangulong Duterte ang bantang revolutionary govt.

Manila, Philippines – Umaasa si Senator Sonny Angara na hindi tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihayag niyang deklarasyon ng revolutionary govt.

Naniniwala si Angara na sa nasabing sitwasyon lahat tayo ay talo.

Kaya apela ni Angara sa lahat ng pwersa sa politika na magkaisa para sa kapakanan ng ating bansa.


Ipinaalala pa ni Angara ang kasaysayan kung saan napatunayan na hindi umubra ang anumang hakbang para maagaw ang kapangyarihan na labas sa itinatakda ng ating konstitusyon.

Ang mga ganitong paraan aniya ay siguradong makakasira lang sa kinabukasan nating lahat.

Facebook Comments