Legal team ni Chief Justice Sereno, bukas na padaluhin ito sa impeachment hearing

Manila, Philippines – Bukas ang legal team ni kampo ni CJ Ma. Lourdes Sereno na padaluhin ang punong mahistrado sa sandaling magsimula nang umusad ang kaniyang impeachment case.

Sa isang forum, sinabi ni Atty. Winnie Salumbides, spokesperson ni Sereno, abala na sila ngayon sa paghahanda kung paano idedepensa ang Chief Justice.

Aniya, pinag-aaralan nila ang legal strategy dahil pinangangalagaan nila ang dignidad ni Sereno.


Idinagdag ni Salumbides na wala ring epekto sa CJ ang mababang approval rating nito sa pinakahuling survey ng pulse Asia. Hindi naman siya pulitiko para magpa epekto sa poll surveys.

Kahapon, Binalikan ni CJ Ma Lourdes Sereno ang kaniyang kabataan sa Barangay Kamuning, QC.

Ayon sa Chief Justice, hinubog siya sa lansangan ng Kamuning.

Natuto siyang tumindig laban sa pam- bu -bully ng mga lalaking kalaro niya.

Doon niya natutuhan na ipaglaban ang katotohanan at katarungan.

Ang pagbabalik tanaw sa pinanggalingan niya ay patunay na hindi siya elitista na ang kaniyang ina ay isang public school teacher.

Facebook Comments