Army at BIFF muling nagkabakbakan sa Maguindanao

Muling nagkabakbakan ang militar at bangsamoro islamic freedom fighters kamakalawa ng gabi sa barangay meta Datu Unsay Maguindanao….
Ayon sa DPAO Chief ng 6th Infantry Division Kampilan Capt.Arvin Encinas, bandang alas diyes umano ng gabi habang nagco-condduct ng routinary patrol ang mga elemento ng 57IB ay kanilang namataan ang sampung armadong grupo ng BIFF na pinamumunuan ni Commander Lucman.
Pansamantalang isinara ang national hiway ng Cotabato Gensan road upang hindi maipit ang mga dumadaang motorista…Ilang minuto ring nagkapalitan ng putok ang dalawang grupo hanggang sa tumakas ang mga BIFF sa lugar…
Posibleng magtatanim na naman daw ng bomba ang mga armado kung hindi sila nakita…Walang sugatan sa panig ng army habang hindi malinaw kung may sugatan ba sa mga BIFF.

Facebook Comments