Sen. Bong Go, namahagi ng tulong sa Giporlos, Eastern Samar

Naghatid ang tanggapan ni Senador Christopher “Bong” Go ng ayuda sa mahihirap na residente ng Giporlos, Eastern Samar na pinakamalubhang tinamaan ng COVID-19 pandemic.

Sa video message, muling ipinaalala ni Go sa publiko na tumalima sa health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus habang ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang mga hakbang upang sumigla muli ang ekonomiya at makabalik na sa normal ang lahat.

“Mga kababayan ko, tuluy-tuloy po ang pagbabakuna, importante po ito. Bagama’t bakunado na rin po kayo ay sumunod pa rin po tayo sa mga health protocols — face mask, social distancing at hugas ng kamay,” pagbibigay diin ni Go.


“Ingat po kayo parati. Importante po malampasan natin itong krisis na dulot ng COVID-19 na nagkakaisang mamamayang Pilipino. Salamat po,” dagdag pa niya.

Namahagi ang mga tauhan ng senador ng meals at face masks sa 1,000 indibidwal mula sa iba’t ibang sectoral groups sa Giporlos Civic Center, nagbigay din sa mga piling residente ng mga bagong pares ng sapatos at bisikleta, maging computer tablets para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sinabi ni Go, Chair ng Senate Committee on Health, na maraming mahihirap na Filipino ang naninirahan sa malalayong lugar na hirap pa ring maka-access sa de kalidad at abot-kayang serbisyong medikal.

Hinimok din nito ang mahihirap na may karamdaman na magtungo sa Malasakit Center sa Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan City, kung saan makakakuha sila ng government assistance.

“Basta Pilipino ka, qualified ka po sa Malasakit Center. Batas na po ito na isinulong ko noon at pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang Malasakit Center ay one-stop shop. Nasa loob na ho ng ospital ang apat na ahensya ng gobyerno na handang tumulong po sa inyo. Iyan po ang Malasakit Center. Lapitan niyo lang po ang Malasakit Center malapit sa inyong mga lugar,” saad ni Go.

Facebook Comments