Pormal ng binuksan sa Maguindanao Provincial Hospital na nakabase sa bayan ng Datu Hoffer ang Malasakit Center.
Nanguna sa okasyon ang brainchild ng proyekto na si Senator Bong Go kasama si Special Assistant for the Visayas Michael Dino.
Ang pagbubukas ng ika- 53 Malasakit Center ay naglalayung makapagbigay tulong financial sa mga residente ng lalawigan lalo na sa usaping serbisyo medical.
Magiging one- stop shop ang Malasakit Center ng mga ahensyang kinabibilangan ng Philhealth, DSWD at PCSO.
Target nito ang Zero Balance Billing ayon pa kay Senador Go.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni IPHO Maguindanao Director Dra. Elizabeth Samama sa naging inisyatiba ng pamahalaan. Magiging malaking tulong aniya ito sa kanilang mga pasyente na kanilang binibigyan ng serbisyo.
Samantala, present rin sa okasyon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu.
Matatandaang nauna ng inihayag ng Gobernadora na kabilang sa prayoridad nitong programa sa kanyang administrasyon ang maisigurong malusog ang kanyang mga kababayan at mabigyan ng magandang serbisyong medical.
Bukod sa pangunguna sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Maguindanao. Nag-bigay rin ng 5 Million Peso na tseke si Senator Go bilang suporta sa Hospital.