Sen. Bong Go, rumesbak kay Sen. Gordon at naghamon na kasuhan at ipakulong ang mga iniuugnay sa kanya na mapapatunayang nagkasala

Sa kanyang privilege speech sa session ngayon ng Senado ay naglabas ng hinanakit si Senator Christopher “Bong” Go sa pilit pag-uugnay sa kanya sa mga nasasangkot sa umano’y pagbili ng overpriced na face mask at iba pang medical supplies ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS DBM).

Diin ni Go, bagama’t nakatrabaho at hindi niya personal aid ang dating head ng PS DBM na si dating Usec. Christipher Lao.

Hamon pa ni Go, kung talagang nagkasala si Lao at iba pang sangkot sa kontrobersya ay kasuhan at ipakulong ang mga ito.


Binatikos din ni Go ang hindi magandang pagtrato sa kanya ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon kahit sila ay magka-level lang bilang senador.

Marami raw itong puna sa kanya at nagmamalinis gayong mayroon din itong ipina-appoint sa Pangulo na nagkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Hinanakit ni Go, pinipintasan ang pagiging malapit niya sa pangulo pero ginagamit naman siya kapag may ipapalakad o ipapasabi sa pangulo.

Paglilinaw ni Go, nakikiisa siya sa lahat ng imbestigasyon ng Blue Ribbon at Senado dahil sinsero ang paglaban niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa korapsyon.

Facebook Comments