
Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na mayroon silang ibubuga kaya hindi tinatantanan ng mga tirada ng administrasyong Marcos.
Ito’y matapos magparinig si Pangulong Bongbong Marcos na ang senatorial slate ng administrasyon ay hindi pro-China at hindi sangkot sa madugong war on drugs.
Ayon kay Dela Rosa, mukhang takot sa kanila ang administrasyon dahil wala nang ginawa sa kanila kundi batuhin sila ng mga negatibong impormasyon kahit pa nananahimik at hindi pinakikialaman ang kabilang kampo sa pangangampanya.
Sinabi ni Dela Rosa na isa lang ang ibig sabihin nito at ito ay maituturing pa rin silang “somebody” o may ibubuga pa dahil mismong ang pangulo na ang nagsasalita laban sa kanila.
Matatandaang pumalag ang mambabatas sa naging pahayag ni PBBM at kung nabahiran man ng dugo ang kaniyang kamay, ito ay dugo ng mga masasamang tao at nakahanda siyang gawin muli ito kung kakailanganin.









