MANILA – Isang karangalan para kay Senator Leila Delima ang makulong para sa katotohanan.Ito ang inihayag ng senadora sa kanyang pagdalo sa ginanap na Dialogue on Democracy and Human Rights sa St. Scholastica’s College.Giit ni De Lima, si Pangulong Duterte na rin ang nagsabi na ginagawa niya lang ang trabaho niya sa pagsusulong ng imbestigasyon kaugnay sa extra judicial killings kaya ngayon siya ay nagtataka kung bakit kinukuyog na siya ng pangulo at kanyang mga kaalyado, nialalapastangan na rin ang kanyang pagkatao at pagkababae.Giit ni De Lima, ang layunin niya ay mahinto ang nakakaalarmang patayan sa bansa na umakyat na sa 3,675 ng biktima sa loob lamang ng halos 100 ng Duterte administration.Ang serye ng patayan na ito aniya ang tunay na dahilan kung bakit nakatutok sa ating ang buong mundo.Pero ang pinapalabas ng pangulo at kanyang mga kaalyado sa publiko ay siya ang may kasalanan sa pagkabahala ng mga investors at paghina ng piso, kulang na lang ay ibintang na rin daw sa kanya pati ang paghihiwalay ng hollywood starts na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.Binigyang diin ni De Lima na kung hangad natin na mabura ang masama o negatibong publisidad sa international community ay dapat itigil na ang mga serye ng pagpatay at dapat ay itikom na lang din ni pangulong Duterte ang kanyang bibig kung wala naman siyang sasabihing maganda.Nakakabahala, ayon kay De Lima na ngayon ay namumulat ang mga kabataan na parang normal na ang pagpatay at ang pambabastos o rudeness na tinawag din niyang rody-ness.Ayon kay De Lima, hindi pa naman huli ang lahat para ang bawat isa sa atin mula sa ibat ibang sektor ay manindigan para sa tama at makatwiran at lumaban para sa dignidad, karapatang pantao, pangingibabaw ng batas, at pangingibabaw ng demokrasya.
Sen. Delima, Handang Makulong Para Sa Katotohanan
Facebook Comments