Sen. Gatchalian, umaasang kikilos na ang Palasyo para sa 2019 budget

Manila, Philippines – Umapela si Senator Win Gatchalian sa Malacañang na kumilos na rin para maiakyat na ang 2019 national budget.

Ang panawagan ni Gatchalian sa Malacañang ay sa harap ng akusasyon na minamanipula pa ng Kamara ang 2019 budget kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para pirmahan.

Paliwanag ni Gatchalian, naratipikahan na ng Senado at Kamara ang pambansang budget kaya dapat ay ehekutibo na ang bahala dito.


Sabi ni Gatchalian, maaring kalampagin ng Malacañang ang liderato ng mataas at mababang kapulungan para makuha nito ang kopya ng ipinasang 2019 budget.

Facebook Comments