Sen. Lacson, suportado ang isinusulong na pagdeklara sa Chinese nat’l na nagsaboy ng taho sa isang pulis bilang undesirable alien

Manila, Philippines – Suportado ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Panfilo Ping Lacson ang mga hakbang laban sa babaeng Chinese national na nagsaboy ng taho sa isang pulis na nakaduty sa MRT Boni Avenue Station.

Kabilang sa pinaboran ni Lacson, na dati ring hepe ng pambasang pulisya ay ang isinusulong ng National Capital Region Police Office o NCRPO na ideklarang undesirable alien ang Chinese na si Jiale Zhang.

Sinabuyan ni Zhang ng taho si PO1 William Cristobal nang sabihan itong bawal ipasok ang taho sa loob ng MRT stations.


Para kay Lacson, dapat ding pagbawalan nang sumakay ng tren at ipa-deport ang nabanggit na Chinese national.

Facebook Comments