Manila, Philippines – Umaasa si Senator Panfilo PingLacson na makakapasa na ngayong 17th congress ang National ID Reference SystemAct.
Ayon kay Lacson, ilang beses na niyang inihain angnasabing panukala kaya sana ay dumating na ang oras na ito ay maisabatas.
Binigyang diin ni Lacson na sa pamamagitan ng national IDreference card system ay mas madaling matutukoy ang tunay na mahihirap sa bansaat magiging madali din ang pagkakaloob sa mga ito ng libreng hospitalisasyon atiba pang tulong.
Para kay Lacson, ang mga kriminal at rebeldeng grupo angsiguradong pangunahing tututol sa nasabing panukala dahil hindi nila pwedenggamitin ang kanilang mga alyas sa national ID system.
Pati aniya ang mga hindi nagbabayad ng buwis ay galit dinsa nabanggit na panukala dahil tutugunan din nito ang problema sa tax evasion opandaraya sa pagbabayad ng buwis.
Inaasahan din ni Lacson ang pagharang sa panukalang IDsystem ng mga kurakot sa gobyerno na may itinatagong kwestyunableng kayamanan.
Sen. Lacson, umaasang maisasabatas na ang national ID system
Facebook Comments