Tuguegarao City – Dinaluhan ni Sen. Manny Pacquiao ang pagbubukas ng CAVRAA 2018 kahapon, Pebrero 23, 2018.
Sa pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Sen. Pacquiao ang mga napagdaanang hirap bago siya maging isang sikat at matagumpay na manlalaro.
Aniya, kailangan lamang umanong mag-focus at maging positibo kapag dumarating ang mga kabiguan sa buhay para makamit ang pangarap.
Hindi din umano balakid ang kahirapan upang tuparin ang pangarap sa buhay basta laging nanalig sa Panginoon.
Ayon pa sa kanya, posibleng isa sa mga kalahok ngayon ay maging world class sa susunod na henerasyon.
Naniniwala ang senador na ang disiplina, pagkakaisa at diplomasya sa larangan ng sports ay ang susi sa tagumpay at payo pa niya mamalagi lamang mapagpakumbaba at huwag maging mayabang.
Baon ngayon ng mga manlalaro ang inspirasyong ibinahagi ni Sen. Pacquiao upang simulan ang palaro sa CAVRAA 2018.