General Santos City—bumisita kaninang umaga sa Camp Ranao sa Marawi City si Sen. Manny Pacquiao para personal na alamin ang sitwasyon ng mga sundalo ng gobyerno doon.
Napag-alaman na alas 6:30 ng umaga kanina nang umalis ng Gensan sakay ng chopper si Pacquaio kasama ng ilang opisyal ng Philippine Air force. Nakasuot ito ng uniporme ng sundalo dahil isa din itong opisyal ng Reservist.
Base naman sa post ni Aquiles Zonio ang Information Officer ni Senator Pacquaio sa kanyang Facebook account na tatlong araw bago ang pagbisita ni Pacman sa Marawi City ay nagpadala na ito ng kanyang mga staff para ipamigay sa mga sundalo ang 3,000 packs ng relief items.
Si pacquaio ang kauna-unahang incumbent senator na bumisita sa Marawi City sa kabila ng patuloy ng bakbakan doon. Samantala iginiit naman ni Pacman na hindi sya natatakot sa kanyang seguridad dahil syay lumaki sa conflict area sa Sarangani Province.
Maliban naman sa ipinamigay nga relief goods , nangako si pacman na magpalagay ng Covered Court sa Camp Ranao na magagamit umano nga mga sundalo na nakadeploy doon. Matapos bumisita sa camp Ranao, pumunta din ng Cagayan De Oro City si Pacman para dumalo sa isa pang event sa nasabing lugar.