General Santos City—“Mag sumite ng ibedensya”, ito ang hamon ni Senator Manny Pacquiao sa mga nag aakusa ng vote buying laban sa kanyang partido.
Ito rin ang naging sagot ni Sen. Pacquiao sa ibat-ibang paratang na pinupukol ng mga supporters ng kanilang kalaban sa Politika laban sa kanyang mga kapartido na tumatakbo sa Sarangani at Gensan sa ilalim ng partidong People’s Champ Movement o PCM.
Ayon kay Pacquiao , sa halip na magpakalat ng mga akusasyon ang kanilang mga kritiko mas mabuti na mag sumite nalang sila ng pormal na reklamo at mag latag ng kongretong ebidensya para mabigyan naman sila ng patas na pagkakataon para sagutin ang mga akusasyon.
Unang inakusahan ang tumatakbong Mayor ng Kiamba Sarangani Province ilalim sa partidong PCM ng pambibili umano ng boto, ilang araw bago ang election.
Sa Gensan naman isang tumatakbong mayor ang dumulog sa tanggapan ng Comelec at inakusahan din na nambibili ng boto ang mga tauhan ng partidong PCM para sa tumatakbong kandidato ng nasabing partido dito sa lunsod.