Friday, May 22, 2026

Sen. Padilla, posibleng makasuhan ng Obstruction of Justice sakaling mapatunayang tinatago nito si Sen. Dela Rosa —CIDG

Posibleng makasuhan ng Obstruction of Justice ang sinumang mapapatunayang nagkakanlong kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kasunod ito ng kanyang kinakakaharap na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) ayon ito sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, maaaring makasuhan ang sinumang tumulong at humarang para sa pagimplementa ng warrant sa nasabing Senador.

Nang tanungin naman si Morico kung kinokonsidera na rin na Person of Interest si Senator Robin Padilla dahil sa pagkumpirma nito na isinabay nya sa kanyang sasakyan si Senator Bato, sinabi nito na depende kung makita ito sa bahay ni Senator Robin at ito ay matuturing na Obstruction of Justice.

Kaugnay nito,sinabi ni Morico na parte ng kanilang imbestigasyon ang sabay na paglabas ng dalawang Senador sa premises ng Senado pagkatapos ng nangyaring shooting incident sa nasabing lugar.

Facebook Comments